Wednesday, October 12, 2011

50 pesos noon


Dati... masayang masaya na ako sa 50 pesos.. kasi sa 50 pesos ay maitatawid ko ang isang araw na punong puno ng saya..

para makatipid, maglalakad ako sa bukid (shortcut) papunta sa bayan para tumambay sa computer shop at maglaro ng DOTA at mag FRIENDSTER
-1 hour 15 pesos

pagdating ng mga kaibigan ay magvovolleyball na kami, OUTDOOR! sosyal? sa lupa o kaya sa damuhan ang tinutukoy ko, kung saan magpupustahan kami...
minsan 5 each
minsan 10 each
Rebanse pag talo
Bongga pag panalo

Syempre pag nanalo bawi na ang pinang computer ko so balik 50 pesos na ang pera ko! at dahil palubog na ang araw at nangangati na ang mga hita at braso namin sa kagat ng lamok ay babalik na kami MUNA sa plaza para tumambay at mag merienda ng kaunti (or hapunan)
Goto- 15
gulaman- 8

minsan nga nahingi lang ako ng baso na may asukal, libre kasi ang calamansi kaya nagawa nalang ako ng Calamansi Juice, o diba?? tipid na healthy pa!

matapos kumain ay yosi yosi muna kami ng mga barkada ko habang naguusap usap kung paano magvovolleyball sa gabi.
matapos magusap ay magkikita kita na kami sa isang court kung saan magpupustahan ulit kami, kadalasan ay bayad ilaw ang nangyayari at kung may extra cash ang mga bakla eh dagdag pusta syempre.

Masaya ang mga laro... inaabot kami ng 1am minsan nga 2 am pa.. depende kung mabait ang nagbabantay at papayagan kami magextend.. or depende sa pera ng mga bakla...

sobrang saya ng bawat laro namin, syempre minsan nagkaka tampuhan, okrayan, pero yun ang nagpapalakas sa samahan namin....

matapos maglaro ay babalik kami sa plaza para mag merienda ulit! 24 hours kasi ang gotohan! madalas ay ang mga nanalo ang nakain... ang mga talo ay yosi yosi nalang sa plaza at inaantay matapos kumain ang mga nanalo. minsan nagpapalibre sila hahaha...

pagkatapos ng kainan ay diretso na sa plaza para tumambay, magchikahan, at maglaro ng kung anu anong kabaklaan...

Ms Gay lotto... Game ka na ba... Taguan... Habulan... Ikutan... Hula Bira...

MASAYA... MAINGAY... BUHAY NA BUHAY ang PLAZA dahil sa amin pag madaling araw....

pag nagkaantukan na ay isa isa nang maguuwian ang mga barkada ko....

madalas ay ganito ang aming bawat araw.... may kanya kanyang buhay sa umaga... pero pagdating ng hapon ay naggiging isa kaming lahat....

Ang saya ng simpleng buhay... isang araw na pinatakbo ng 50 Pesos....

50 pesos na hindi lahat sa amin ay mayroon kada araw... ngunit hindi hadlang upang kami ay magkita kita bilang isang barkada....

sabi nga nila... Kung wala... pwede namang pagpilitan.... pera pera lang yan...

ITO ANG BUHAY NA HINAHANAP HANAP KO.....

SIMPLE... MASAYA..


MISS YOU SB!!!!

1 comment: